Surigao del Sur niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

(Eagle News) — Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang bayan ng Cortes sa Surigao Del Sur kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute and Volcanology and Seismology  (PHIVOLCS), naitala ang pagyanig sa 30 kilometers north ng bayan ng Cortes kaninang alas 5:54 umaga.

May lalim na 22 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.