Suplay ng NFA rice sa Region 1 sapat hanggang katapusan ng 2018

(Eagle News) — Umaasa ang National Food Authority (NFA) Region 1 na sasapat hanggang sa katapusan ng 2018 ang stock nila ng bigas.

Ayon kay Director Jaime Hadlocon, nasa 19 na libong sako pa ng bigas ang nakaimbak sa mga warehouses ng Ilocos Region.

Pero ayon sa opisyal, hindi naman gaanong nangangailangan ng NFA rice ang Region 1 dahil halos bawat pamilya sa mga lalawigan doon ay may kanya-kanya nang sapat na imbak ng bigas.

Bukod pa aniya ito sa paparating na imported rice para kanilang rehiyon na aabot ng 65,000 metric tons.

Sapat aniya ito huwag lang may dumating na matinding kalamidad.

“Dito sa Ilocos Region, talagang sa mga produkto nilang palay, sa kanilang mga sakahan ay nagiiwan sila ng kanilang pangangailangan para sa kanilang pamilya. At sana nga ay wala nang darating na masasamang panahon o bagyo upang ang aming stock na kakaunti na lang ay aabot sa katapusan ng taon na 2018. Merong darating na imported rice para sa Region 1. Ito ay about 65000 metric tons o 1.3 million bags para sa Region 1,” pahayag ng opisyal.

https://youtu.be/2rXcRRBDXnY