Sen. Manny Pacquiao, itinangging magbabalik siya sa pagbo-boxing

Eagle News  Itinanggi ni 8-Division World Champion at Senador Manny Pacquio na sasabak muli ito sa pagbo-boxing pagkatapos  magretiro nitong Abril taong kasalukuyan. Ayon sa Senador, hindi aniya totoo ang balitang liliban siya sa kaniyang mga tungkulin sa Senado upang muling lumaban sa ibabaw ng ring.

Nilinaw din niya na wala pa naman silang napag-uusapan ng kaniyang promoter na si Bob Arum kung may laban siya.

Ang pahayag ng Senador ay taliwas sa sinasabi ni TOP Rank CEO Bob Arum na nakatakdang lumaban si Pacquio sa darating ng Oktubre. Binigyan diin pa ng Pambansang Kamao na nananatiling prayoridad niya ay ang kaniyang tungkulin bilang isang Senador.

Tiniyak din ni Pacquiao na kung muli siyang lalaban ay titiyakin niyang hindi ito makasasagabal sa kaniyang trabaho sa Senado.

 (Eagle News Correspondent, Jet Hilario)