SCAN-Nueva Vizcaya, Isabela Chapter nagsampa rin ng kasong libelo laban kay Lowell Menorca

Nag-file rin kahapon, Nobyembre 5 ang SCAN International – Nueva Vizcaya at Isabela chapters ng kasong libel laban kay Lowell Menorca II sa Nueva Viscaya, pinagunahan ni Jonatahan Tamondong, SCAN President ang pagsasampa ng reklamo sa Office of the Provincial prosecutors Department of Justice sa provincial Capitol, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa Isabela naman, pinangunahan ni Dimasalang Valenzuela ang pagsasampa ng reklamo.

Iisa ang dahilan nila sa pagsasampa ng kasong libelo.

Matatandang tinawag ni Menorca ang grupo ng SCAN International na private army at death squad na taliwas naman sa layuning itinataguyod ng kapisanang SCAN.

Ang paninirang puri ni Menorca ay maaari kasing magdulot ng pagdududa sa kredibilidad ng SCAN International maging sa mabuting nilalayon nito.

Samantala, nakaranas na ang mga kaanib ng SCAN International ng pangungutya at pamimintas sa kanilang mga probinsya kaya nais nilang malinis ang kanilang pangalan sa pamamagitan ng pagsasampa nila ng kaso sa korte.

(Agila Probinsya Correspondent Mark Cuevas)