SCAN International-Benguet Chapter, nagsagawa ng Emergency Test Respondents Trainor’s Training

BAGUIO City, Benguet — Isang seminar ukol sa tamang hakbang at pag-responde sa emergency ang isinagawa ng mga miyembro ng Society of Communicators and Networkers o SCAN International sa lalawigan ng Benguet.

Layunin ng nasabing aktibidad na makapagbigay ng karagdagang kaalaman at makatulong sa mga kababayan na nalalagay sa hindi inaasahang pangyayari gaya ng kalamidad at aksidente.

(Agila Probinsya Correspodent Ben Salazar)