Sasakyan ng mayor ng San Felipe, Zambales, tinambangan; 1 sugatan

SAN FELIPE, Zambales (Eagle News) – Tinambangan ng mga hindi pa nakilalang suspek ang sasakyan ni San Felipe, Zambales Mayor Carolyn Fariñas. Ayon sa pulisya, bandang 7:50 ng umaga noong Lunes, September 4 nang maganap ang krimen habang binabagtas nina Fariñas, Raul Rosete at staff na si John Ray Ramil ang Mendaros Street malapit sa highway sakay ng Toyota Innova.

Natalsikan ng mga bubog ang mukha ng driver na si Rosete matapos paulanan sila ng bala ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo. Kapwa ligtas naman ang alkalde at staff nito habang nakatakas ang mga salarin at iniwan ang kanilang motorsiklo sa Brgy. Sindol.