Rockfall at landslide, naranasan sa Calbayog City dulot ng bagyong Agaton

Ang malaking bato na bumagsak nitong Miyerkules ng madaling araw sa Daang Maharlika, Brgy. Cagnipa, Calbayog City, Western Samar dulot ng pananalasa ng bagyong Agaton /Demetrio Dimaranan/ CDRRMO/

Ni Miriam Timan
Eagle News Service

CALBAYOG CITY, Western Samar (Eagle News) – Nag-iwan ng matinding pinsala ang bagyong Agaton na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang pag-ulan.

Sa Daang Maharlika, Brgy. Cagnipa, Calbayog City, Western Samar ay may bumagsak na malaking bato  nitong Miyerkules, ika-3 ng Enero, bandang alas 4 ng madaling araw, dahil sa lumambot na lupa.

Ayon kay Ginoong Ronald Ricafort, officer in charge ng City Tourism Office, hindi maaaring daanan ang magkabilang linya ng mga motorista. Wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.

Kasalukuyang inaalam pa ang status ng pagsasaayos ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).