Rizal PNP nag-over-all champion sa ginanap na Regional Disaster Preparedness Drill Competition

AGOSTO 6 (Agila Probinsya) — Nagwagi ang Rizal Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ng Rizal Provincial Public Safety Company Search and Rescue Team sa isinagawang 5th PRO 4A at 2BPATS Regional Disaster Preparedness Drill Competition sa Praiso Beach Resort sa Sariaya, Quezon.

Ito ay kaugnay ng ika-dalawampung taong Police Community Relations Month Celebration na mayroong temang “Matibay na ugnayan ng Pulisya, simbolo ng kapayapaan at kaunlaran ng Sambayanan.”

Layunin ng aktibidad na ito na pagkaisahin at i-promote ang kahandaan sa pagresponde sa disaster o kalamidad sa pagkakaroon ng tamang techniques at skills ng mga kapulisan kapag oras na ng rescue operations.

(Agila Probinsya Correspondents Bernard Gamba, Bong Inciong, Edna Martinez)