Relief operations sa mga biktima ng bagyong Lando sa Nueva Ecija nagpapatuloy

Nakinabang ang 15,000 kabahayan mula sa 37 barangay ng Science City of Munoz, Nueva Ecija mula sa ipinamahaging relief goods ng tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Tuloy-tuloy naman ang relief operations sa probinsya sa bayan ng Muñoz may libreng pa-charge naman ng mga cellphone hangga’t hindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente. Habang sa bayan naman ng San Jose ay naibalik na ang power supply.