Relief operation, nagpapatuloy pa rin sa Nueva Ecija

Tuloy pa rin ang relief operation ng lokal ng pamahalaan katuwang ang mga pulis ng Caranggalan, Nueva Ecija sa kanilang mga kababayang naapektuhan ng manalasa ang bagyong “Lando” sa probinsya nito lamang nakaraang buwan.

Nagpasalamat naman ang mga napagkalooban ng relief packs dahil malaking tulong anila ito upang mabawasan ang nararanasan nilang kahirapan.

(Agila Probinsya Correspondents Joey Sevilla, Emil Baltazar)