Region wide blackout sa halalan sa Mayo pinangangambahan

Pinangangambahan pa rin ang posibilidad na magkaroon ng failure of election sa Misamis Oriental at ibang panig ng Northern Mindanao.

Ito’y makaraang aminin ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na sampu sa mga tower ng NGCP ang nag-collapse samantalang anim ang nasira sa pag-atake ng mga armadong lalaki.

Ngunit nilinaw din ng NGCP na 16 sa kanilang 18 na tower na binomba sa nakalipas na buwan ay magiging operational na.

Pero ayon kay Misamis Oriental Vice Gov Joey Pelaez, hindi garantiya ang pagsasaayos ng mga tore dahil posible pang ulit-ulitin ng mga rebelde ang pambobomba.