Puerto Princesa Underground River, nakuha ang 2 major award sa isinagawang 1st PHL Tourism Industry Award

(Eagle News) — Nakuha ng Puerto Princesa Underground River ang dalawang major  award sa 1st Philippine Tourism Award 2017 na ginanap sa Okada Manila Hotel kamakailan.

Tinanghal na best eco-tourism at major tourist attraction ang  Underground River sa ginanap na awarding ceremony.

Tinanggap ni Protected Area Superintendent Elizabeth Maclang ang mga nasabing gawad.

Ang 1st Philippine Tourism Award ay ang kauna-unahang award-giving event ng general tourism na inorganisa ng United Stars Event and Exhibitions Corporation (USEEC).

Ito ay naglalayong kilalanin di lamang ang magagandang tourism sites sa bansa upang maitaas ang standard ng pag-aalaga sa mga ito.

Itong darating na ika-11 ng Nobyembre ay nakatakdang ganapin ang PPUR Day upang ipagdiwang ang pagkakasama ng Underground River bilang isa sa new 7 Wonders of Nature.

(Eagle News Service Anne Ramos)