Ni Emeldinand Motas
Eagle News Service
(Eagle News) — Naka-full alert na ang mga kapulisan sa pagdating ng bagyong “Ompong” sa Cordillera. Nakahanda na rin ang mga rescue equipment na gagamitin kung sakaling magkaroon ng sakuna.
Samantala, itinaas na sa typhoon signal # 3 ang ibang lalawigan sa Region 2 at Cordillera, ngunit nananatili sa typhoon signal # 2 ang lalawigan ng Benguet kasama ang siyudad ng Baguio.
Patuloy naman ang isinasagawang pagpapaalaala ng mga otoridad sa mga mamamayan na maghanda at mag-ingat sa paparating na bagyo.








