Pres. Duterte, bumisita sa Fort Magsaysay

CABANATUAN City, Nueva Ecija (Eagle News). Isang araw matapos ang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA), bumisita noong Martes, July 26  si Pangulong Rodrigo R. Duterte sa Fort Magsaysay na tahanan ng ilang yunit ng Philippine Army.

Isinagawa ang Command Conference sa mga opisyal ng 7th Infantry Division o 7ID, Special Operations Command, Army Artillery Regiment, Combat Arms Schools Training and Doctrines Command, at Army Aviation Battalion. Ito ay sinundan ng pakikipagugnayan sa may 500 sundalo sa 7ID Covered Court. Sa nasabing aktibidad, nabigyan ng pagkakataon ang mga kasundaluhan na magtanong sa kanilang Commander-In- Chief.

04f12710-7c68-436e-a366-cfd0a29184e8

527894df-17b6-4249-83ae-8f3d9b6d4b8e