Power interruption sa ilang lugar sa Pangasinan

Mahigit limang oras na mawawalan ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Pangasinan sa Sabado, Disyembre 5.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines, sa mga bayan ng Sual, Alaminos, Mabini, Burgos, Dasol, Infanta, Agno, Bani, Anda at Bolinao ay mawawalan ng suplay ng kuryente mula als-siyete ng umaga hanggang alas-dose-y-medya ng tanghali.

Ito ay para sa gagawing pagsasaayos ng ilang linya ng Panelco 1. Sa Sabado rin, magkakaroon ng power interruption sa bayan ng Labrador mula 7:00-7:30 ng umaga at 12:00-12:30 ng tanghali. (Agila Probinsya)