Pondo para sa rehabilitasyon ng mga sinira ng malakas na lindol sa Bohol inilabas na

By Angie Valmores
Eagle News Service

BOHOL, Philippines (Eagle News) — Aabot sa halos dalawang bilyong pisong pondo ang ipinamahagi ng pamahalaang panlalawigan ng Bohol sa mga LGU na ang lugar ay kasama sa matinding naapektuhan ng malakas na lindol na tumama sa probinsya ng 2013.