Ni Irish Cobar-Rubias
Eagle News Correspondent
BULALACAO, Oriental Mindoro (Eagle News) – Isa ang Pocanil Island sa mga ipinagmamalaking isla sa bayan ng Bulalacao, Oriental Mindoro.
Dito makikita ang puting buhangin, preskong hangin, asul na tubig dagat at tahimik na kapaligiran. Ito ang tamang-tama para sa mga nagnanais na magrelax at ipahinga ang katawan at isipan dulot ng stress.
Ang maganda nitong formation rock na nakatayo sa gilid ng isla ay mistulang fortress ng lugar. Sa ilalim ng matayog na bato ay matatagpuan ang tatlong yungib na tahanan ng balinsasayaw at mga paniki.
Ang paligid ay napapalibutan ng mga bakawan na nagsisilbing proteksyon ng mga isda at iba pang yamang-dagat gayundin, ng mga taong naninirahan sa komunidad tuwing may kalamidad.
Noong March 17, 2018 ipinagdiwang ang unang anibersaryo ng isla mula sa pormal na pagbubukas bilang isa sa karagdagang atraksiyon sa bayan ng Bulalacao.
Sa kasalukuyan ang mga miyembro ng Pocanil Fisheries and Farmers Corporation ang nangangalaga at nagpapaktabo sa lugar.
Sa tulong ng lokal na pamahalaangng Bulalacao sa pamamagitan ng tourism office ay inaasahan nilang patuloy na madi-develop ang Pocanil Island maging ang pagdagsa ng mga turista.