PNK Little Chef isinagawa sa Pangasinan

Nagpagalingan sa pagluluto ang mga kabtaang miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Pangasinan sa isinagawang pa-contest na tinawag nilang PNK Little Chef.

Layunin ng programang ito na malinang ang kakayahan ng mga batang Iglesia Ni Cristo ukol sa tamang paghahanda ng pagkain at masanay silang kumain ng wastong pagkain.

Natuwa naman ang mga hurado ng nasabing patimpalak sapagkat ang inihanda ng mga PNK little chef ay masustansya at masarap.