Pitong bayan sa Ilocos Sur, nagkaisa laban sa kahirapan

HULYO 20 (Agila Probinsya) — Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang pinirmahan ng pitong bayan ng lalawigan ng Ilocos Sur na mayroong layuning labanan ang kahirapan sa nasabing probinsya.

Ang MOA signing na ito ay pinagkaisahan ng pitong bayan ng Sta. Cruz, Suyo, Tagudin, Alilem,, Sugpon, Cervantes at Quirino.

(Agila Probinsya Correspondent Myrnalyn Manuel)