Pinagdausan ng “Dakilang Pamamahayag” sa Pangasinan punong-puno ng mga panauhin

Napuno ng mga tao mula sa iba’t-ibang lugar ang pinagdausan ng isinagawang “Dakilang Pamamahayag” ng mga Iglesia Ni Cristo ang Cultural and Sports Center, lungsod ng Urdaneta Pangasinan. Umabot hanggang labas ng Cultural Sports Center ang mga tao dahil hindi na magkasya dahil sa dami ng nasa loob.

Ayon sa ministro ng Iglesia Ni Cristo na si kapatid na Conrado Pascual Jr., ay tinatayang nasa 14,000 ang mga bisitang dumalo sa nasabing pagtitipon. Naglagay na ng mga karagdagan upuan ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo para naman sa mga dumagsa pang bisita ng nadabing pagtitipon.

(Agila Probinsya Correspondents Jericho Madolid, Aura Juli Colisao, Rusell Failano)