(Eagle News) — Labinganim na volcanic earthquakes ang naitala ng Philippine Institute Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Mt. Kanlaon sa Negros Oriental sa nakalipas na 24-oras.
Ayon sa PHIVOLCS, nitong Linggo, Disyembre 9 ay nasa isang daan at isang (101) tonelada kada-araw ang average na sukat ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Sa kasalukuyan ay nananatiling nakataas sa alert level 2 ang bulkan na ang ibig sabihin ay nasa ilalim ito ng moderate level of unrest.
Pinayuhan naman ng PHIVOLCS ang lokal na pamahalaan na tiyaking naipatutupad ang pagbabawal na mapasok ang 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan.
https://youtu.be/FLdCXfB8cLE





