Philippine Army namahagi ng Hygiene Kit sa Zamboanga

Para naman mas mapalapit sa mga residente, isang gift giving activity ang isinagawa ng 1st Cavalry Squadron Mechanized Infantry Division ng Philippine Army.

Namigay sila ng hygiene kit sa mga kabataan at tinuruan ang mga bata ng ilang mga paraan para mapanatili ang kanilang kalinisan at magandang kalusugan.

Ayon kay Lt.Col. Charlemagne Batayola, umaabot na ng halos 900 mga bata ang kanilang nabigyan ng hygiene kit.

(Agila Probinsya Correspondent Bien Dacir)