PDRRMC-Abra handa na sakaling bumuhos ang malakas na ulan

Nakahanda na ang personnel ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Center sa Abra bagama’t makulimlim pa rin ang panahon.

Ayon kay Eng. Hector Camcam, PDDRRMC officer, agad itong nakipag ugnayan kay Gov. Eustaquio Bersamin matapos ianunsyong nasa Signal no. 1 ang lalawigan.

Aniya inabisuhan na rin ang PNP at Arm na maging pro-active kung saan isasagawa ng mga ito ang preventive evacuation sa mga mababang lugar sakaling bumuhos ang malakas na ulan.

Samantala, unti-unti nang dumadagsa ang mga biyaherong papunta ng Maynila

Roger Vargas

EBC Abra correspondent