Pangulong Duterte, ‘di paiikliin ang 6-month closure ng Boracay Island

(Eagle News) — Hindi umano paiikliin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anim na buwang closure ng Boracay Island.

Sinabi ito ng Pangulo sa isang press conference sa Davao International Airport sa kaniyang pagdating mula sa Singapore.

Ayon sa Pangulo, wala siyang plano na manghimasok sa rekomendasyon nina Environment Secretary Roy Cimatu, Interior Officer-In-Charge Eduardo Año at Tourism Secretary Wanda Teo sa period ng closure ng isla.

Una nang inirekomenda ng mga nasabing cabinet official na isara muna ng anim na buwan ang Boracay Island para bigyang daan ang rehabilitasyon nito.

Sabi pa ng pangulo, kinakailangan din na magkaroon ng Presidential Proclamation para ihiwalay ang forest at agricultural lands ng Boracay mula sa commercial area.

Binigyang-diin din ng Pangulo na walang itatayong casino sa isla.

Abril 26 nang magsimula ang rehabilitasyon ng Boracay Island.