Pampasaherong bus, nahulog sa bangin sa Quezon; 10 ang sugatan

(Eagle News) — Isang pampasaherong bus ang nahulog sa bangin sa Barangay Bagong Silang, Tagkawayan, Quezon nitong Martes.

Sampu ang nasugatan sa aksidente na naganap  kaninang hatinggabi.

Sangkot sa aksidente ang AB Liner Bus na may body number na 3088.

Ayon sa mga pasahero, nawalan ng kontrol ang nagmamaneho ng bus habang binabaybay nila ang Quirino Highway.

Ayon pa sa kanila, ang konduktor, at hindi ang driver na si Herbert Umali, ang nagmamaneho ng sasakyan sa pagkakataong yaon.

Dalawa sa mga nasugatan ay isinugod sa ospital sa Calauag at walo naman ang dinala sa pagamutan sa Tagkawayan.