Pamahalaang bayan ng Llanera, patuloy ang paghihikayat sa pagtatanim ng kawayan

HULYO 22 (Agila Probinsya) — Patuloy ang paghihikayat ng pamahalaang bayan ng Llanera sa Nueva Ecija ang mga residente nito na magtanim ng kawayan bilang tulong sa pagsisinop ng kapaligiran at dagdag pangkabuhayan.

Ayon kay Mayor Lorna Mae Vero, kabilang sa tinututukan nilang programa ang pagpapalawak at pangangalaga sa mga taniman ng kawayan na may malaking kontribusyon hindi lamang sa kalinisan ng kapaligiran kundi maging sa pangkabuhayan ng mga magsasaka.

(Agila Probinsya Correspondent Alejandro Javier)