Palengke sa Cotabato City nasunog; 1,000 stalls apektado

COTABATO CITY, Maguindanao (Eagle News) – Nasa isang libong stalls ang natupok nang  masunog ang isang megamarket sa Cotabato City nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa impormasyon ng ilang nakasaksi, nagsimula ang sunog sa ground floor ng gusali sa Almonte at Magallanes Street pasado alas 10:00 ng gabi.

Umakyat ang apoy sa bilihan ng mga tsinelas at sa itaas na bahagi nito kung saan naroon ang mga ukay ukay stalls.

Sa kasalukuyan ay blangko pa ang mga otoridad kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Inaalam pa rin kung may nasaktan man o casualty sa nangyaring sunog. Dennis Dimatingkal

(Mga litrato ni Vic Borres, Eagle News Service)