Pagtanggap ng mga manonood sa “Felix Manalo” movie, naging positibo

Isang linggo na ngayon sa mga sinehan ang “Felix Manalo” the movie at hanggang ngayon ay mahaba pa rin ang pila sa mga sinehan sa iba’t ibang probinsya para panoorin ang nasabing pelikula.

Ang ilan pa nga sa mga ito ay bumiyahe pa ng malayo at dumayo ng ibang bayan para lamang mapanood ang pelikula.

Naging positibo din ang pananaw ng ilang manunuod sa pelikulang “Felix Manalo” bagamat ang ilan ay hindi kaanib sa Iglesia Ni Cristo.

(Agila Probinsya Correspondent Alejandro Javier)