Pagpasok ng mga imported na karne sa PHL, pinangangambahan

(Eagle News) — Nababahala ang Samahang Industriyang Agrikultura (SINAG) na posibleng nakapasok sa bansa ang imported pork na apektado ng African swine flu (ASF).

Ayon kay Engr. Rosendo So, presidente ng SINAG, minomonitor nila ngayon kung mayroong nakapasok na imported pork mula sa Belgium.

Ito ay matapos na mapasama ang Belgium sa mga bansa na naapektuhan ng ASF, kung saan umaangkat ang bansa ng mga karne ng baboy.

Ayon kay So, tinicheck na ng kanilang grupo kung kailan ba naapektuhan ang Belgium ng African swine flu at kung kailan ang pinakahuling pagdating ng cargo vessel na nagdadala ng imported na pork mula sa nasabing bansa.

Inaalam na rin ng SINAG sa Bureau of Animal Industry at Department of Agriculture kung kailan huling nag-unload ang shipment ng Belgium.

Ayon sa SINAG, tinitingnan na ang petsa ng departure ng pinakahuling shipment mula sa Belgium at kung ito ba ay dapat ibalik upang maiwasang pumasok ang sakit sa mga alagang baboy na African swine flu.

Ayon kay So, ito ay matapos na kumpirmahin ni Secretary Manny PiƱol ng DA ang mga bansang tinamaan ng African swine flu at ipinablocklist ng ahensya.

Ang mga bansang apektado ng African swine flu at iblinocklist ng DA ay ang mga bansang Brazil, Poland, Slovakia, Belgium, ilang bahagi ng Hungary, Russia, China at South Africa.

Bagamat hindi naman aniya ito nakakahawa sa tao, subalit ang nasabing sakit ay labis na nakakahawa sa mga alagang baboy at maaaring maapektuhan ang backyard industry sa bansa.

(Eagle News Pangasinan Bureau Nora Dominguez)