Pagbangon ng ‘Yolanda’ victims

Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang manalasa ang bagyong “Yolanda” sa Eastern Visayas. Marami pa ring mga Yolanda survivor ang nananatili sa temporary shelters o mga bunkhouse sa Tacloban City, Leyte.

Ito ay dahil sa mabagal na konstruksyon umano ng mga permanenteng bahay na ipagkakaloob sa mga residenteng nawalan ng tirahan dahil sa Yolanda.

(Agila Probinsya Correspondent Madelyn Villar)