(Eagle News) — Suportado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang inisyatibo ng local government ng malay sa aklan na ipagbawal ang paggamit ng single-use plastic sa Boracay at sa iba pang bahagi ng bayan.
Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, welcome move ito sa bahagi ng munisipalidad bilang bahagi ng rehabilitasyon sa isla.
Aniya, malaki ang naging bahagi ng single-use plastic sa nakalap na basura sa isla noong isinagawa ang rehabilitasyon at paglilinis nito.
Bunsod ng nasabing ordinansa, inaasahan nilang lalakas na ang effort ng gobyerno na malabanan ang plastic pollution.





