Pagbaba ng presyo ng krudo at gasolina sa Benguet

Ikinatuwa ng mga motorista at may mga may-ari ng truck ng gulay ang pagbaba ng presyo ng krudo at gasolina sa lalawigan ng Benguet ngayong linggo.
Karaniwan kasi sa mga nasa vegetable trucking business roon ay bultuhan kung magpakarga ng gasolina.

Ayon sa mga may-ari ng vegetable trucking sa nasabing lalawigan ay malaking bagay ang pagbaba ng presyo ng krudo at gasolina lalo na sa kanila na bultuhan kung magpakarga ng krudo at kung sa maliliit ng fuel station pa magpapakarga dahil mas mababa ang presyo nito kasya sa malalaki at mga kilala na fuel station. (Benguet, Philippines)

(Agila Probinsya Correspondent Cesar Archer, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)