Official trailer at soundtrack ng “Guerrero Dos: Tuloy ang Laban,” ipinalabas sa “soft launch”

By Phoebe Publico
Eagle News Service

(Eagle News) — Matagumpay ang isinagawang official trailer and soundtrack soft launch ng pelikulang “Guerrero Dos: Tuloy ang Laban”.

Ito ang sequel ng pelikulang “GURRERO” na naipalabas simula nuong 2017.

Ayon kay Direk Carlo Ortega Cuevas, inspirado ito sa mga humihiling ng part 2 ng naunang pelikula. Gayundin sa layunin mismo ng production outfit na Ebc Films na makagturo ng values sa mga manunuod sa pamamagitan ng visual media.

Patuloy naman ang pagpapasalamat ni Direk Carlo Cuevas sa pagtanggap ng publiko sa kaniyang mga obra, gayundin sa patuloy na pagtitiwala sa kaniyang kakayahan bilang isang film maker.

Sa “GUERRERO”, kay Ramon Guerrero na ginampanan ni Genesis Gomez umikot ang istorya. Sa pagkakataong ito ay sa bunsong kapatid naman niya iikot ang istorya. Kay “Miguel Guerrero” na ginagampanan naman ni Julio Cesar Sabenorio.

Ayon sa dalawa, masaya sila na muling magbibigay sila ng inspirasyon sa maraming tao sa pamamagitan ng kanilang bagong pelikula.

Patuloy rin ang pagpapasalamat ng ibang cast members tulad nina Joyselle Cabanlong at Mia Suarez dahil sa pagkakataong ibinigay sa kanila na mapabilang sa proyektong ito ng EBC Films.

Patuloy naman ang pagtataguyod ng Eagle Broadcasting Corporation, sa pamamagitan ng EBC Films, ng mga kalidad at makabuluhang pelikula lalo na at nare-recognize na ng maraming films critics at award giving bodies ang pelikula nito hindi lamang dito sa ating bansa, maging sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Hangad rin ng korporasyon ng patuloy pang makapagturo at makapagbigay-aral sa marami pang mga tao sa pamamagitan ng ganitong proyekto. Ang mga child friendly at makabuluhang pelikula na punong puno ng values.

Inaasahan ang pagpapalabas ng “Guerrero Dos: Tuloy ang Laban” sa mga sinehan nationwide sa buwan ng Oktubre.