Oarfish natagpuan sa Talisay City, Cebu

By Kit Montes
(Eagle News Service)

TALISAY City, Cebu — Pinagkaguluhan ng mga residente ang natagpuang dalawampung talampakang oarfish sa dalampasigan ng Talisay City, Cebu kahapon, Pebrero 17. Labis naman itong ipinagtataka ng mga mangingisda sa lugar dahil sa ang nasabing isda ay nakikita lamang sa malalim na bahagi ng karagatan.