No. 1 notorious na kriminal, patay sa police operation sa Malolos, Bulacan

 

MALOLOS, Bulacan (Eagle News) – Sa kaniyang mismong bahay ay bumulagta ang isang lalake matapos na manlaban sa isinagawang police operation ng mga otoridad sa Brgy. Santisima Trinidad, Malolos, Bulacan gabi ng Huwebes, Mayo 17.

Kinilala ang suspek na si Dennis Santos, na, ayon sa pulisya, ay numero uno na gumagawa ng krimen sa nasabing lugar.

Ayon pa kay PSSupt. Chito Bersaluna, Bulacan police director, kapag mahina ang kita ng suspek ay droga naman ang ginagawang pampondo nito, kung kaya’t posibleng kabilang din siya sa Number 1 drug supplier sa lugar.

Narekober sa suspek ang isang calibre .38 na baril, mga bala at hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php40,000. Earlo Bringas