NFA nilinaw na walang pekeng bigas sa Eastern Samar

(Eagle News) — Pinabulaanan ng National Food Authority (NFA) sa Region 8 ang alegasyon na mayroong mga pekeng bigas sa Eastern Samar.

Kasunod ito ng reklamo ng isang restaurant owner matapos diumano itong makabili ng saku-sakong pekeng bigas.

Ayon kay  NFA-Region 8 director Bobby Trabajo, matapos matanggap ang naturang reklamo ay agad nag-imbestiga ang kanilang tanggapan.

Batay sa kanilang imbestigasyon, ay negatibo na mayroong pekeng bigas.

Posible umano na nag-panic lang ang mga tao lalo pa’t talamak ang balita kaugnay sa fake rice.

Paglilinaw ni Trabajo, isasailalim uli sa straining method ang bigas at ipapadala sa NFA head office.

https://youtu.be/ODlqAJ5-O_g