National Motorcross Competition, isinagawa

Isinagawa ang National Motorcross Competition sa bahagi ng Koronadal City sa Mindanao, kung saan ay nilahukan ito ng mga local riders at dumayong riders mula sa Metro Manila, Cebu, Dumaguete, Bukidnon, Davao, North Cotabato at Sarangani.

Ang Motorcross Competition na ito ay isa sa mga pinakatampok na bahagi ng pagdiriwang ng 16th Nalak Festival na ginanap sa Barangay Paraiso ng Koronadal City.

(Agila Probinsya Correspondent Danilo Tejada)