Natagpuang giant leatherback sea turtle sa Camarines Sur, ibinalik na sa karagatan

(Eagle News) — Pinakawalan na pabalik sa karagatan ang natagpuang giant leatherback sea turtle sa baybaying dagat ng Balatan, Camarines Sur.

Ginamot muna ang mga sugat ng nasabing leatherback sea turtle at nilagyan ito ng tag bago pinakawalan.
Nahagip umano ng lambat ang nasabing giant leatherback sea turtle na may bigat na apat na raang (400) kilo sa Ragay Gulf nitong Miyerkules, Nobyembre 21.

Sinaksihan naman ng mga residente ng Barangay Duran ang send-off sa giant leatherback turtle.
Ito na ang ikalawang beses na aksidenteng nakalambat ang mga mangingisda ng leatherback sea turtle sa kaparehong lugar.

Kaya naman ang bayan ng Balatan ay idineklara ng hotspot for marine turtles.