
(Eagle News) – Umabot na sa 500 pamilya ang nagsilikas sa gitna ng nagpapatuloy na bakbakan ng militar at rebeldeng grupo na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa boundary ng Datu Unsay at Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.
Ayon kay Datu Saudi Ampatuan Municipal Administrator Akmad Donia, pansamantalang nanunuluyan ang mga evacuee sa Dapiawan Elementary School at mga Madrasah (Muslim Private Schools).
Apektado ng bakbakan sa Datu Unsay ang Barangay Malangog.
Nagpapatuloy naman ang clearing operations ng militar sa mga bayan ng Mamasapano, Shariff Aguak, Datu Saudi at Datu Salibo na pinagkukutaan ng BIFF.





