Nakuhang mga katawan sa landslide sa Itogon, Benguet umabot na sa 29

(Eagle News) — Umabot na sa 29 katao ang nahukay sa landslide na naganap sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet.

Patuloy pa rin ang retrieval operations dahil mayroon pang 40 nawawala.

Inaasahan din na mas mapapabilis ang operasyon, dahil mayroon nang isang heavy equipment na nakapasok sa kabilang bahagi ng landslide.

Isa pang heavy equipment ang susubok ding makapasok sa ground zero ngayong araw.

Habang ginagawa ang operasyon, ang mga tauhan naman ng Mines Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources ay patuloy sa pag-aassess sa sitwasyon para matiyak na ligtas ang mga tumutulong sa retrieval operations.