Naic Trade Fair and Exhibit 2015, isinagawa sa lalawigan ng Cavite

“Pagbibigay-sigla sa Kulturang Kinagisnan, Gabay sa Pag-unlad ng Bayan,” ito ang tema ng isinagawang Trade Fair And Exhibit 2015 sa Naic sa lalawigan ng Cavite bilang isa sa mga aktibidad ng 224th Naic Foundation Day.

Ang isinagawang aktibidad ay nilahukan rin ng maraming Small Scale Enterprises sa larangan ng pagkain, fashion, beauty products at iba pa. Iba’t-ibang klase naman ng recycled products na gawa ng 4p’s ng DSWD at mga inmates ang ipinakita sa nasabing okasyon.

(Agila Probinsya Correspondent Katherine Reus, Eagle News Service Dexter Magno, MRFaith Bonalos)