MyBirthday foundation

Ang MyBirthday foundation ay isang organisasyon kung saan ito ay nagiging tulay ng mga taong walang ibang hangad kundi makatulong sa kapwa, at isinasakatuparan nila ito kasabay ng pagdiriwang ng kanilang kaarawan o ano mang-uri ng selebrasyong nagaganap sa kanilang buhay. Bukod sa pagiging tulay, ang MyBirthday foundation ay siya ring naghihimok sa mga tao na magkaroon ng malalim na pang-unawa sa kabuluhan ng pagtulong sa ating kapwa kaya naman, sila ay nakapagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga taong hirap sa buhay at wala nang iba pang masandalan. Ang mga kabataan ang kanilang pangunahin at nais na mas bigyang pansin.

https://youtu.be/jbA1PuI-K4o