Motorcycle lane sa Puerto Princesa City, ipinatupad na

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Nagsimula nang ipatupad ng pamunuan ng City Traffic Management Office ang unang apat na araw ng ordinansang naghihiwalay sa mga dinadaanan ng mga PUV, motorsiko, tricycle at mga pribadong sasakyan.

Mahigpit ding  nagpapataw ng multa ang CTMO sa mga lumalabag rito.

Ayon kay CTMO Special Operation Allan Mabella, marami-rami na rin ang kanilang naitala na lumabag rito ngunit kapansin-pansin umano ang pagkaunti ng mga lumalabag sa ngayon kumpara noong mga naunang araw ng pagpapatupad nito.

Sa kabila nito, aminado naman ang CTMO na kulang na kulang parin ang kanilang mga kawani partikular ang mga traffic enforcers na direktang nagpapatupad ng batas sa kalsada.

(Eagle News Service Jim Aceniero)

https://www.youtube.com/watch?v=VzC6UERxyMY&feature=youtu.be