Miss Earth Philippines candidates mainit na sinalubong ng mga Dabawenyo

DAVAO CITY (Eagle News) – Masayang sinalubong ng Dabawenyo ang mga kandidata ng Miss Earth Philippines noong Huwebes, October 14 sa Davao. Dumating ang 120 candidates ng Miss Earth Philippines Pageant at mananatili sa Davao sa loob ng isang linggo.

Ayon kay Gene Rose Tecson, chief of the City Tourism Operations Office, isa umano itong oportunidad para sa kanila na makita ang mga bagay na ipinagmamalaki ng Davao. Ang nasabing tourism event umano ay karagdagang income generation at mas maipo-promote nito ang Davao bilang isa sa mga prime investment at tourism destinations ng bansa.

Ang swimsuit competition ay isasagawa sa isang kilalang resort sa Samal Island, habang ang cultural show at fashion show naman ay gagawin sa Davao.

Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City

(Photos courtesy: City Government of Davao)