Mga senior citizen nagkaisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month

HULYO 27 (Agila Probinsya) — Ipinagdiwang ng mga senior citizen ang Nutrition Month sa bayan ng Mariveles sa lalawigan ng Bataan na ipinagdiriwang ngayon sa buong bansa.

Nagsagawa ng Nutri-Zumba Content ang mga senior citizen na may temang “Bite in a Healthy Lifestyle” na nilahukan ng labing walong barangay sa nasabing lalawigan.

Layunin ng nasabing contest na mahikayat ang mga senior citizen na magkaroon ng magandang kalusugan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo at tamang pagkain para humaba pa ang kanilang buhay.

(Agila Correspondent Larry Biscocho)