Mga residente sa ilang barangay sa Meycauayan, Bulacan, pinayuhan nang lumikas dahil sa pagtaas ng tubig baha

MEYCAUAYAN, Bulacan (Eagle News) — Umabot na sa lagpas tuhod ang tubig baha sa mga Barangay ng Saluysoy at Bulac, sa Meycauayan, Bulacan dahil sa paghagupit ng Tropical Depression Maring ngayong Martes, Setyembre 12.

Dakong ala-una ng hapon ng biglang tumaas ang tubig na sanhi ng tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan, kung kaya’t ang ilan sa mga kabahayan ay pinasok na rin ng tubig baha.

Pinagpayuhan naman ang mga residente sa nasabing lugar na agad ng lumikas sa mas mataas na lugar upang maiwasan ang anumang kapahamakan.

(Ulat at mga larawan ni Ian Tolentino, EBC Correspondent- Bulacan South)