Mga residente malapit sa Mt. Bulusan pinaghahanda na

AGILA PROBINSYA — Binalaan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga residente na nasa palibot ng Mt. Bulusan sa Sorsogon sa posibleng banta ng lava o iba pang mga volcanic materials na pwedeng bumuhos anumang oras.

Ito ay ay kasunod ng phreatic explosion na naitala nitong linggo. Partikular na binalaan ang mga residente sa barangay puting sapa dahil ito mismo ay pasok sa 4km PDZ kung saan maging ang mga magsasaka sa lugar ay labas -pasok pa sa danger zone.