Mga nasawi sa aksidente sa Kalinga, umakyat na sa 15

(Eagle News) — Umakyat na sa labing limang katao ang nasawi sa nangyaring aksidente sa Barangay Dao-Angan, Balbalan, Kalinga, Apayao. Karamihan sa mga ito ay senior citizens.

Batay sa report, nasa apatnapung senior citizens ang sakay ng isang jeep nang mahulog ito sa bangin.

Papauwi na sana ang mga ito matapos kunin ang kanilang allowance sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Dinala naman ang mga sugatan sa Kalinga Western District Hospital.