Mga miyembro ng Sta. Rosa PNP binigyan ng gawad ng pagkilala ng sangguniang panlungsod

AGOSTO 12 (Agila Probinsya) — Ipiniresinta ng Sta.Rosa Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni Police Superintendent Reynaldo Maclang ang kanilang mga naging accomplishment sa harap ng regular na sesyon ng sangguniang panlungsod na pinangungunahan ni Vice Mayor Arnel Gomez na ginanap sa City Hall ng Sta. Rosa, Laguna.

Matapos ipresinta ang mga naging aktibidad ng STA. Rosa PNP ay nagbigay ang sangguniang panlungsod ng gawad pagkilala sa istasyon ng kapulisan.

Ang gawad na ibinigay sa kapulisan ay bilang pagkilala sa kanilang mabilis na pag aksyon at pagkakaresolba ng kasong rape with homicide na naganap noong Agosto 2, 2015.

Ito ay nagresulta ng pagkakadakip at pagsasampa ng kaso laban sa dalawang mga suspect na nadakip sa loob lamang ng anim na oras mula ng matuklasan ang nasabing krimen.

(Agila Probinsya Correspondent Norberto Delfino)