Mga magsasaka sa Bohol, hinimok na gumamit ng alternatibong paraan sa pagsasaka

BOHOL, Philippines — Dahil sa matinding epkto ng El Niño phenomenon lalo na sa mga magsasaka, pinayuhan ng Department of Agriculture Region 7 ang mga magsasaka sa Bohol na gumamit muna ng alternatibong paraan ng pagtatanim ngayong panahon ng tagtuyot o mag-alaga muna ng hayop gaya ng baboy at manok.